MENU

Mga Empleyado Ng Embassy Sa UAE Masigasig Sa Pagsuporta Sa “Premyo Bonds 2”

Abu Dhabi Premyo Bonds

ABU DHABI 19 November 2020 — Noong 17 November 2020, ang mga kawani ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi ay boluntaryong naglagak ng kanilang investment sa Premyo Bonds 2, sa tulong ng representatives ng Landbank, bIlang pagtulong sa gobyerno na sagutin ang mga pangagalilangan sa Pilipinas dulot ng pandemic at mga mapaminsalang bagyong dumaan dito kamakailan. Ayon kay Amb. Hjayceelyn M. Quintana, “Ako’y lubos na nagagalak na ang aking mga kasamahan sa Embahada ay kusang namuhunan sa Premyo Bonds 2 sa kagustuhang makatulong sa ating bansa at mga mamamayan. Nakita nila ang pangangailangan ng ating bayan at handa silang tumugon. Ito ang diwa ng “nation-building”, na lahat tayong mga Pilipino ay handang maki-ambag ng ating makakaya sa pagpapaunlad ng bayan at pagtulong sa kapwa.” (Abu Dhabi PE photo) 

For more information, visit https://www.abudhabipe.dfa.gov.ph or https://www.facebook.com/PHinUAE/.