MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 423

Agana BUwan ng Wika15 August 2013 - Ikinalulugod na ipahatid ng Konsuladong Panlahat ng Pilipinas sa Guam na sa araw na ito, unang Lunes ng Buwan ng Agosto, ay inilunsad nito ang una sa serye ng mga aktibidad para sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa. 

Ang unang aktibidad ng pagdiriwang ay ang Pagbibigay-pugay sa Watawat kasabay ng pag-awit ng ating Pambansang Awit na Agana  Buwan ng Wika2Lupang Hinirang, at sinundan ng Panunumpa sa Watawat.  Ang seremonya ay pinangunahan ng mga opisyal at kasapi ng Filipino Community of Guam (FCG), sa pangunguna ng pangulo nito na si G. Roy Salvador Adonay.  Ang pagtataas ng bandila ay pinangunahan ni G. Adonay at ni Gng. Susan Ibit, pangulo ng Aklan Association of Guam.  Samantala, ang panunumpa sa watawat naman ay pinangunahan ni Gng. Catherine Solidum.

Kabilang sa mga dumalo ang iba pang mga opisyal ng iba't ibang kapisanan ng mga Filipino dito sa Guam, tulad nina Gng. Nilfa Milan, pangulo ng Western Visayas College of Science and Technology (WVCST) Alumni Association; Gng. Gloria Baguinon, pangulo ng Filipino-American Presidents Club; Gng. Jesusa Umbrero, pangulo ng Iloilo International; G. Ignacio Mercado, pangulo ng Apalit Association of Guam; Bb. Annie Payne, nakaraang pangulo ng Aklan Association of Guam; Gng. Mila Moguel, dating pangulo ng UST Alumni Organization of Guam; at si Dr. Yolanda Carrera, nakaraang pangulo ng UST Alumni Organization of Guam.  Kasama rin sa mga dumalo sina G. Narciso Ibit, G. Jun Moguel, G. Aurelio "Nonoy" Solidum at Gng. Dory Solidum ng Aklan Association, Gng. Sally Edusada ng Original Zambales Families Association of Guam, at si Bb. Vesta Limuaco ng USTAOG.

Pagkatapos ng maikling seremonya ay nagkaroon ng isang payak na agahan sa opisina ng Konsuladong Panlahat.

Ang ganitong pagdiriwang ay gagawain sa lahat ng Lunes ng buwan ng Agosto.  Sa pangalawang Lunes (ika-12 ng Agosto), ang pagdiriwang ay pangungunahan ng Filipino Ladies Association of Guam (FLAG) at ng Filipino-American Presidents Club.  Samantala, ang ikatlo at ikaapat na Lunes naman ay pangungunahan ng Guam Filipino Artists (ika-19 ng Agosto) at ng Federation of Pangasinanses of Guam (ika-26 ng Agosto). WAKAS