MENU

 

Berne  Buwan ng Wika

Ika 22 Agosto 2013 – Pinangunahan ni Embahador Leslie J. Baja ang pagtataas ng watawat bilang bahagi ng pagdiriwang ng "Buwan Ng Wikang Pambansa". Kabilang din sa mga  aktibidades ng Pasuguan ng Pilipinas sa Berne ay ang  pagpapalabas ng mga presentasyon ng iba't ibang grupong kultural tulad ng Kontemporaryong Gamelan Pilipino ng UP Kolehiyo ng Sining at Mga Sulat; Pagdiriwang ng Sayaw sa Nayong Pilipino; mga serye ng konsiyerto ng UP Madrigal; at isang dula na pinamagatang "Florante at Laura". WAKAS