MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 423

NY

27 Agosto 2013 – Idinaos noong ika-19 ng Agosto ng Konsulado Panlahat ng Pilipinas sa New York ang pagdiriwang para sa Buwan ng Wikang Pambansa. 

Sa kanyang pambungad na pagbati, ihinayag ni Pangunahing Konsul Mario L. de Leon, Jr. ang kanyang pananalig na ang wikang Filipino ay nakapagbibigkis sa pamayanang Filipino-Amerikano sa anumang dako ng Estados Unidos. Kanya ring hinikayat ang mga kabataan na matutunan ang paggamit ng wikang Filipino, sa pakikipagtalastasan sa kanilang mga tahanan man, sa mga kaibigan o pamayanan.  Ipinagmalaki niya na ang mga kaugaliang kagaya ng Balagtasan, at pagbigkas ng mga awitin at tulang Filipino ay dapat na palawigin ng ating mga kababayan upang higit itong makilala sa buong mundo.

Naghandog ng mga awiting Filipino si Bb. Kay Habana at ang 12-taong gulang na si Jessmar Ruel Bahia na lubos na ikinalugod ng mga nanunuod.  Samantala, si Ginoong Randy Gener naman ay nagtanghal ng isang ebolusyon ng tulang Filipino na sinimulan nyang pagbigkas ng mga tula nila Jose Corazon De Jesus, Jose F. Lacaba, Alejandro Abadilla at Virgilio Almario, at itinapos nya nang paglalahad ng dalawang tulang kanyang sariling akda.

Pinakatampok nang gabing iyon ang isang Balagtasan na isinagawa nina Frances Dominguez, Sofia Garcia Abad at Shirley Cuyugan O’Brien.  Tinalakay sa balagtasan ang paksang “Saan Mas Mainam Magretiro ang mga Pilipino, sa Amerika o sa Pilipinas?”  Marami ang nahikayat, kasama na ang mga kabataan, na matutong pagbabalagtas matapos nilang masaksihan ang galing ng tatlong makata sa kanilang pagtatanghal. 

Ang buwan ng Agosto ang itinakda ng Komisyon ng Wikang Filipino upang dakilain ang Filipino bilang Wikang Pambansa.  Nagsasagawa ng Pagpupugay sa Watawat ng Pilipinas tuwing Lunes, nagpapatugtog ng musikang Filipino at nagpalabas ng mga pelikulang Filipino noong ng Sinehan sa Summer ang Konsulado bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika.  WAKAS

NY 2