MENU

Dhaka BUwan ng Wika

03 September 2013 — Maayos na ipinagdiwang ng Pasuguan ng Pilipinas sa Dhaka ang Buwan ng Wikang Pambansa na nagtapos sa isang palatuntunan para sa huling araw ng Pag- Aaral ng Wikang Filipino,ang programang inilunsad ng Pasuguan bilang pakikiisa sa pagdiriwang.

Ang Tapusan sa Pag- aaral ng Wikang Filipino ay ginanap noong ika-30 ng Agosto 2013 sa Pasuguan ng Pilipinas. Pinamunuan nina Nikki Lean Sagum Agustin at Khrista Francia Yban, mga piling bata na lumahok sa programa, ang pag-awit ng Lupang Hinirang at Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas. Ang lahat ng mag-aaral ay bumigkas ng tulang pinamagatang, Sa Aking Mga Magulang na sinulat ni Jerome Apilla bilang pagtatanghal para sa palatuntunin.

Dhaka BUwan ng Wika2

Sa kanyang bating panimula, malugod na binati at pinasalamatan ni Punong Konsul Mohd. Noordin Pendosina Lomondot ang mga mag-aaral sa kanilang masigasig na pakikilahok sa programa. Nagpahayag din siya ng pasasalamat para sa suporta na ibinigay ng mga magulang ng mga mag-aaral at ng Philippine Society in Bangladesh at Filipino Grand Alliance Bangladesh na ikinatawan nina G. Charles Villanueva at Gng. Rosalita Garcia ang mga miyembro ng komunidad na nakilahok sa pagtuturo ng Wikang Filipino.

Dhaka BUwan ng Wika3Ginawaran ng Sertipiko at munting alaala ang mga mag-aaral at mga guro. Isang natatanging parangal naman ang iginawad ng Pasuguan bilang pagkilala kay Jack Ryan C. Gumban, ang kauna-unahang Filipino na kasama sa iilang pinarangalan na mag-aaral sa Bangladesh dahil sa matagumpay nilang pagtamo ng mataas na marka sa ‘General Certificate of Education O Level Examination' o GCE ‘O’ Level na isinagawa ng British Council sa pagitan ng taong Hunyo 2011 at Hunyo 2012.

Ang lahat ng dumalo ay inanyayahan sa isang salu-salo na inihanda ng Pasuguan. WAKAS