Ika-09 ng Setyembre 2013 - Idinaos ng Pasuguan ng Pilipinas sa Bahrain ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa nuong ika-29 ng Agosto sa pamamagitan ng patimpalak sa pagsulat ng sanaysay, pagbuo ng salawikain at pagpinta, para sa mga mag-aaral ng mataas at mababang paaralan sa Philippine School Bahrain (PSB). Animnapung mag-aaral ang dumalo sa paligsahan, at kasama nila sa pagdiriwang ang mga guro sa PSB, mga magulang ng mag-aaral, at mga lider ng pamayanang Pilipino sa Bahrain.
Nagsimula ang patimpalak ng alas dos ng hapon ng ika – 29 ng Agosto at sinundan ng paggawad ng gantimpala sa mga nanalo na natapos ng bandang alas nuebe ng gabi.
Sa programang idinaos pagkatapos ng paligsahan, nagbigay ng talumpati ang pinuno ng Pasuguan na si Ambassador Sahid S. Glang, kung saan hinikayat nya na pagyamanin at linangin ng mga Pilipino ang wikang pambansa sapagkat ito’y salamin ng kultura at pagkakakilanlan ng ating lahing Pilipino.
Binigyan naman ang mga nanalo sa unang tatlong pwesto ng mga plake. Ang lahat ng mga mag-aaral na sumali sa paligsahan ay binigyan din ng katibayan ng paglahok.
Ang mga sumusunod ang mga nanalo sa paligsahan:
Paligsahan sa Pagsulat ng Sanaysay na may temang “Ang Wika Natin ay Laban sa Katiwalian”
Mababang Paaralan:
Unang Gantimpala : Jun Joseph Aerole T. Ani
Pangalawang Gantimpala : Jireh Angel J. Burlat
Pangatlong Gantimpala : JF Nichols G. Cortez
Mataas na Paaralan:
Unang Gantimpala : Wendell O. Japzon
Pangalawang Gantimpala : Maisie Russel R. Nerves
Pangatlong Gantimpala : Ramon Lorenzo M. Arel, Jr.
Paligsahan sa Pagbuo ng Salawikain na may temang “Ang Wika Natin ay Katarungan at kapayapaan”
Mababang Paaralan:
Unang Gantimpala : Kris Ann Mari J. Ignacio
Pangalawang Gantimpala : Simon A. Claude
Pangatlong Gantimpala : Francesca Emanuelle T. Martinada
Mataas na Paaralan:
Unang Gantimpala : Issa Marie E. Agoncillo
Pangalawang Gantimpala : Mariel Joie Caringal
Pangatlong Gantimpala : Ma. Nina H. Balce
Paligsahan sa Pagpinta na may temang “Ang Wika Natin ay Sandata Laban sa Kahirapan”
Mababang Paaralan:
Unang Gantimpala : Rovie Marck C. Dayrit
Pangalawang Gantimpala : Jan Patrick N. Bergonio
Pangatlong Gantimpala : Beah Jean C. Melegrito
Mataas na Paaralan:
Unang Gantimpala : Liza Angelica O. Abuy
Pangalawang Gantimpala : Aimee Lorraine M. Herrera
Pangatlong Gantimpala : Jhanika Mae O. Pena
Ang mga lider ng komunidad na nagsilbing hurado ay ang mga sumusunod:
Paligsahan sa Pasulat ng Sanaysay
1. Bb. Julieta P. dizon
2. G. William P. Lopez
3. G. Gregorio S. Esquivel III
4. G. Ramil Allan G. Alexander
5. Labor Attache Felixberta N. Romero
Paligsahan sa Pagbuo ng Salawikain
1. G. Ricardo L. Advincula
2. G. Rolly P. Pajo
3. G. Conchita B. Baldago
4. G. Basilio S. Polinar
5. G. Amman Y. Taulan
Paligsahan sa Pagpinta
1. G. Albert Masuci
2. G. Titus Christian L. Velasquez
3. Fr. Uldarico C. Camus
4. G. Roberto A. Fabros, Jr.
5. G. Emil Durano
6. Welfare Officer Ma. Cynthia D.M. Erum. WAKAS