MENU

Muscat  Buwan ng Wika

10 Setyembre 2013 - Ang Pasuguan ng Pilipinas sa Muscat, sa pakikipagtulungan ng Philippine School Oman, ay pormal na inilunsad ang personal na website ng Kanyang Kamahalan, Sultan Qaboos bin Said, lider ng Sultanado ng Oman na nakasalin sa wikang Filipino noong ika-19 Agosto.  Ang aktibidad na ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng Agosto bilang Buwan ng Pambansang Wika, at ang petsang Agosto 19 na kaarawan ni Manuel L. Quezon.

Ang pagsalin sa personal na website ni Sultan Qaboos sa wikang Filipino ay isang pagpapakilala ng hangarin na maipagbunyi at pagyamanin ang ating pambansang wika sa Oman at pag-ibayuhin ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Oman.

Sa kanyang talumpati, ipinaalala ni Charge d’Affaires (CDA) Hjayceelyn M. Quintana sa mga mag-aaral ng Philippine School Oman na pahalagahan at pagyamanin ang wikang Filipino.  Ipinahayag din ni CDA Quintana ang kanyang pasasalamat sa Philippine School Oman at kay Mr. Hamoud Al Azri, General Supervisor ng personal na website ni Sultan Qaboos, ay kanyang pasasalamat sa kanilang suporta para maisakatuparan ang proyektong ito. WAKAS

Muscat  Buwan ng Wika2