11 September 2013 – Ang Embahada ng Pilipinas sa Abuja, Nigeria ay ipinagdiwang ang Buwan ng Wikang Pambansa noong ika-16 ng Agosto.
Ang komemorasyon ay nagkaroon ng simpleng programa, sa pamamagitan ng pagkanta ng Pambansang Awit, at panonood ng klasikong pelikulang Tagalog na pinamagatang “Insiang.”
Ang Sugo ng Pilipinas sa Nigeria, Alex V. Lamadrid ay nagbigay ng inspirasyonal na mensahe sa lahat ng dumalo sa nasabing aktibidad. Ginanap din ang Panunumpa sa katungkulan ng mga bagong nahirang na opisyales ng DFA Ladies Foundation-Abuja Chapter.
Habang ginaganap ang Buwan ng Wikang Pambansa at tuluy-tuloy sa paggamit ng wikang pambansa ang mga opisyales ng Embahada, mga miyembro ng kanilang pamilya, at mga organisasyon ng komunidad Pilipino sa Abuja. WAKAS