MENU

Mga Impormasiyon sa DFA ePayment Portal

epayment poster simple 4 

 

  • Ang DFA ePayment portal ay bahagi ng Online Appointment System na nagbibigay-kakayahan sa mga aplikanteng bayaran ang passport processing fees sa mga piling payment centers sa buong bansa. Sa susunod, maaari na ding magbayad gamit ng credit at debit cards, pati na din ng over-the-counter cash payment sa mga bangko.
  • ASEANA: Unang linggo ng Hunyo 2018
  • NCR:  sa mismo o bago ng unang linggo ng Hulyo 2018
  • Nationwide: sa mismo o bago ng unang linggo ng Agosto 2018

Ang lahat ng magre-renew at mag-aapply ng Philippine ePassport ay magbabayad na muna ng passport processing fees gamit ang DFA ePayment Portal upang makakuha ng slot sa Online Appointment System. Ito ang mga hakbang nito:

  1. Bisitahin ang PASSPORT.GOV.PH at SCHEDULE AN APPOINTMENT.
  • Basahin ang lahat ng paalala bago mag-agree sa Terms and Conditions ng Online Appointment System.
  • Pumili ng DFA Consular Office kung saan magre-renew o mag-aapply ng passport.
  • Pumili ng petsa at oras kung kailan magre-renew o mag-aapply.
  • Punuin ang mga required fields ng mga impormasiyong hinihingi.
  • I-review ang mga detalye ng aplikasyon bago i-click ang SUBMIT.
  • Piliin ang gustong passport processing type (expedited or regular processing) bago i-click ang PROCEED TO PAYMENT.
  • Alamin ang reference number for payment na ipapadala sa iyong email.
  1. Pumunta sa isang piling Payment Center upang bayaran ang passport processing fee.
  • Gamitin ang reference number sa Payment Center sa pagbayad ng passport processing fee.
  • Isang reference number lang sa bawat appointment. Kung magbabayad para sa pamilya o kasama, hiwalay ang bayad sa bawat reference number.
  • Itago ang resibong ibibigay sa iyo.
  1. Isang confirmed appointment packet ang ipapadala sa iyong email kapag nakabayad na ng passport processing fee. I-click ang link sa iyong passport appointment packet at i-PRINT ang mga nilalaman nito na kailangang dalhin sa araw ng inyong appointment:
  • Checklist na nilalaman ng iyong schedule
  • Confirmed Application Form na may bar code, appointment reference number (ARN), at eReceipt number
  • Dalawang (2) kopya ng eRECEIPT
  1. Personal na magpakita sa DFA Consular Office sa petsa at oras na nakalagay sa iyong appointment at siguraduhing magdala ng naka-print ng kopya ng iyong confirmed passport appointment packet, at iba pang required documents at IDs.
  • Hindi. Maaaring gamitin ang reference number sa kahit anong payment center kaya madaling makakabayad sa authorized payment centers.
  • Hindi. Isang beses lamang ito maaaring gamitin.
  • Makakabayad ang mga aplikante sa mga mga sumusunod na Payment Centers:
  • Bayad Center
  • EcPay
  • Pera Hub
  • Robinsons Business Center and Department Stores
  • Waltermart Department Store
  • 7-Eleven
  • USCC (Western Union)
  • Villarica Pawnshop
  • Magbubukas pa ng panibagong mga Payment Centers at ng credit/debit card payment facility sa susunod.
  • Magbabayad ang mga aplikante ng PHP 1,200.00 para sa expedited processing at PHP 950.00 para sa regular processing. May PHP 50.00 convenience fee na babayaran din sa mga authorized Payment Centers maliban sa processing fees.
  • Walang refund kapag hindi nakasipot sa appointment.
  • Maaari kayong makipag-ugnayan sa aming Help Desk:

Telephone Number

(02) 234 3488

Email Address

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

  • Kumbinyente.
  • Makakabayad ang aplikante ng passport processing fee sa kahit anong authorized payment center at sa credit/debit cards sa susunod.
  • Nakakatipid ng oras.
  • Malaking oras ang mawawala sa pag-renew o pag-apply ng passport kapag nakapagbayad na bago pumunta ng DFA Consular Office.
  • Walang nasasayang na appointment slots.
  • Ang mga aplikanteng siguradong magre-renew lang at mag-a-apply ang kukuha ng appointment slot dahil kailangan na nila magbayad agad.
  • Mas dadami ang aplikanteng makakapunta sa DFA Consular Offices.
  • Dahil mababawasan ang processing time, mas madaming aplikante ang mapapapunta ng DFA consular offices.
  • Iwas fixer.
  • Kailangan munang bayaran ang passport processing fee bago ito makakakuha ng confirmed appointment schedule. Hindi ito maaaring ipasa sa ibang tao.