Public Advisory: Mga Limitasyon sa E-Visa ng Russia
17 Enero 2020 — Ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas, sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas sa Moscow, ay nananawagang muli sa mga Kababayan na nais bumisita sa Russia gamit ang e-Visa na dapat sundin ang mga limitasyon nito na makikita sa https://evisa.kdmid.ru/.
Binibigyang diin ang mga sumusunod:
- Limitasyon sa Lugar. Para sa mga Filipino, ang e-Visa ay para lamang sa Kaliningrad Administrative Region (Oblast), St. Petersburg, at Leningrad
Habang nasa mga lugar na ito, hindi maaaring lumabas at pumunta sa ibang bahagi ng Russia.
- Limitasyon sa Pagpasok at Paglabas. Kung saang paliparan o daungan o hangganan ng teritoryo ng Russia pumasok (halimbawa, ang Pulkovo Airport sa St. Petersburg), dito rin dapat lumabas ng bansa.
Para sa mga sasakay ng eroplano, dapat lang na ang flight na kunin ay international at walang "domestic connecting flight" sa ibang lugar sa Russia. Samakatuwid, sa paggamit ng e-visa sa St. Petersburg, halimbawa, bawal kumuha ng flight na dadaan muna sa Moscow bago makarating ng St. Petersburg. At sa paglabas naman, bawal din na kumuha ng flight na pagkaalis sa St. Petersburg ay dadaan muna ng Moscow o sa ibang lugar sa Russia bago tuluyang makaalis sa teritoryo ng bansa.
- Limitasyon sa Bilang ng Araw ng Kailangang umalis bago matapos ang walong araw. Meron pong v’isa calculator sa https://evisa.kdmid.ru/. Ang kailangang tandaan, bilang halimbawa, ay kung dumaan sa immigration sa Lunes sa pagdating, kailangang sa paglabas ay dumaan sa immigration bago ang susunod na Lunes.
- Kailangang Balido ang Visa. Habang nasa lugar na ito, kailangang balido ang visa. Kung mag-expire na ang visa bago pa matapos ang walong araw na pagbisi ta, kailangan mag-exit bago mag-expire ang
END
Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa https://www.moscowpe.dfa.gov.ph, or https://www.facebook.com/PHLinRussia/ o https://twitter.com/phlinrussia.