MENU

Paunawa sa Publiko: Mga Bagong Paghihigpit sa Paglalakbay Patungong Hong Kong SAR

24 Marso 2020 — Ipinababatid ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (DFA) sa ating publiko na simula sa hatinggabi ng ika-24 ng Marso 2020 (0000H 24 Marso), ang mga di-residente, kasama rin ang mga transit passengers, ay hindi muna papayagang makapasok sa Hong Kong sa loob ng dalawang linggo.

Pinapayuhan din ang lahat ng maglalakbay na suriin kung ang kanilang mga inbound o outbound flights mula sa mga paliparan sa Pilipinas ay maaapektuhan at ayusin ang mga plano sa paglalakbay nang naaayon sa bagong paghihigpit.

Pinaaalalahanan din ang publiko na manatiling maingat at maalam dahil ang mga bansa o teritoryo ay nagpapataw at/o nagbabago ng kanilang mga paghihigpit sa paglalakbay na maaaring makaapekto sa mga Pilipinong manlalakbay.

Maraming salamat po.