MENU

Public Advisory: Travel Bans and Restrictions Update

#DFAAdvisory: With new updates from more than 10 countries across the Americas, Asia and the Pacific, Europe, Middle East and Africa, the DFA encourages all Filipinos traveling out from and returning to the Philippines to refer and be initially guided by the following Travel Restrictions as of 28 June 2020.

Please note that this information is subject to change without prior and sufficient public notice.

Travelers, even with valid visas or confirmed flights, should consult with relevant Embassies or Consulates of the destination country and ports of transit before booking the ticket. It is always best to check ahead of travel dates with the airlines that will be used for departure.

The DFA will strive to update this advisory as needed.

***

#DFAAdvisory: Alinsunod sa bagong alituntunin mula sa mahigit-kumulang sampung bansa sa Amerika, Asya at Pasipiko, Europa, Gitnang Silangan at Africa, hinihikayat ng DFA ang lahat ng mga Pilipinong manlalakbay na sumangguni at isaalang-alang ang mga sumusunod na talaan ng “Mga Paghihigpit sa Paglalakbay”.

Mangyaring alalahanin na ang mga nakasaad na banyagang pagtatakda at alituntunin ay maaaring mabago nang walang paunang patalastas o pasabi.

Dahil dito, ang mga manlalakbay, kahit na may hawak na wastong visa o may nakumpirma nang mga paglipad, ay pinapaalalahanan at pinapayuhang sumangguni muna sa kinauukulang banyagang Embahada o Konsulado ng patutunguhan na bansa (at kung kinakailangan, maging mga bansa ng daraanang paliparan o port ng transit) bago mag-kumpirma o bumili ng ticket para sa paglipad o paglalakbay sa ibayong-dagat.

Pinapayuhan din ang ating mga kababayan na laging makipag-ugnayan sa kinauukulang airline at tiyakin ng mabuti at ng maaga ang kani-kanilang mga takdang petsa ng paglalakbay.

Sisikapin ng DFA na agarang ipatalastas ang anumang mga pagbabago sa mga nabanggit at ipinababatid na mga alituntunin ng iba’t-ibang bansa.

travel 1

travel 2

Travel Restriction japan

travel 4

travel 5

travel 6

travel 7

travel 8

travel 9

travel 10

travel 11