16 July 2013 – Pinapaalalahanan ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh ang lahat ng mga Pilipino na ang pag-gamit ng mga pekeng marriage contracts o iba pang mga pekeng dokumento ay ilegal at mahigpit na ipinagbabawal. Ito ay labag sa batas ng Pilipinas pati na rin sa batas ng Saudi Arabia.
Ang sinumang mahuhuling gumagamit ng mga pekeng dokumento ay maaaring patawan ng parusa.
Hindi kailanman pinapayagan ng Embahada ang paggamit ng mga pekeng dokumento at patuloy nitong kukumpiskahin ang mga ito. Ilalathala din ng Embahada ang mga nakumpiskang dokumento sa website sa http://www.philembassy-riyadh.org para magsilbing paalala at para sa kalinawan ng lahat.
Muling pinapaalalahanan ng Embahada ang lahat ng Pilipino na umiwas makipagtransaksyon sa mga “fixer” o “middlemen” dito sa Saudi Arabia o sa Pilipinas, na nagpapanggap na mga taga-Embahada, at nangangakong kumuha ng mga pekeng dokumento na ito kapalit ng pera o anumang bagay na may halaga.
Ang lahat ng mga dokumento at mga transaksyon na nanggagaling at nangyayari sa Embahada pati na rin ang karampatang kabayaran sa mga ito ay matatagpuan sa website nito.
Ang lahat rin ng mga opisyales at empleyado ng Embahada, pati na rin ang kanilang mga posisyon, ay matatagpuan din sa website. END
-------------------------------------------------------------------------------------
PHILIPPINE EMBASSY WARNS AGAINST USE OF FAKE MARRIAGE CONTRACTS AND OTHER FAKE DOCUMENTS
16 July 2013 – The Philippine Embassy warns all Filipinos that the use of fake marriage contracts or any other fake “authenticated” documents is illegal and contrary to both Philippine and Saudi laws.
Anyone caught using or holding a fake marriage contract or other fake authenticated document can be held liable for violation of these laws.
The Philippine Embassy does not tolerate the use of these fake documents. The Embassy will continue to confiscate these fake documents and report them to the proper authorities. The Embassy will also be posting said fake documents on its website at http://www.philembassy-riyadh.org to warn the public and for purposes of transparency.
The Embassy reminds all Filipinos to refrain from dealing with “fixers” or middlemen in Saudi Arabia or in the Philippines, who pose as Embassy officials, and promise to procure these fake documents in exchange for cash.
All genuine Embassy-issued documents as well as all Embassy transactions along with their corresponding fees can be found on its website.
All Embassy officials and personnel, including their designations are also listed on the website. END