20 Agosto 2013 - Sinuspinde ng Malacañang ang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa Kamaynilaan ngayong araw dahil sa sama ng panahon.
Ang lahat ng mga aplikanteng may appointment noong ika-19 at ika-20 ng Agosto ay maaaring pumunta sa tanggapan ng DFA kung saan kumuha ng orihinal na appointment para mag-renew o mag-apply ng pasaporte sa ika-24 o ika-31 ng Agosto, mga araw ng Sabado.
Mananatili naman pong walang pasok sa mga araw ng linggo at mga piyesta opisyal.
Dalhin lamang ang katunayan na kayo ay may appointment kahapon (ika-19 ng Agosto) o sa araw na ito (ika-20 ng Agosto). WAKAS