MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 422

29 Mayo 2015 – Bilang pansamantalang lunas sa pagsasara ng opisina ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Riyadh, ipinapag-alam ng Embahada ng Pilipinas na ang serbisyo ng POLO para sa pag-isyu ng Overseas Employment Certificate (OEC) at pag-renew ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Membership ay maaaring makuha sa Embahada sa Diplomatic Quarter, Riyadh.

Simula sa darating na ika-31 ng Mayo, ang mga representatibo ng POLO ay magpro-proseso ng OEC at OWWA membership renewal, araw-araw, Linggo hanggang Huwebes, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Pinapaalala ng Embahada na ito ay isang pansamantalang paraan lamang upang maihatid ang serbisyo ng POLO sa mga Pilipinong manggagawa. Puspusan pa rin ang POLO sa Riyadh sa paghahanap ng bagong lokasyon. Maglalabas ng abiso ang Embahada ukol sa bagong lokasyon ng POLO sa lalong madaling panahon. WAKAS