08 Oktubre 2013 - Alinsunod sa Presidential Proclamation No. 658, na nagdedeklara sa Oktubre 15 (Eidul Adha) bilang regular holiday at Proclamation No. 656, na nagdedeklara sa Oktubre 28 (Synchronized Barangay at Sangguniang Kabataan Elections) bilang special non-working holiday, pinapaalam ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang lahat ng passport offices sa Kamaynilaan ay sarado sa nasabing dalawang araw.
Pinapayuhan ang lahat na nakapagset ng passport application appointment sa araw ng Oktubre 15 (Martes) na maari siiang magtungo sa tanggapan ng DFA sa Kamaynilaan anumang araw mula Oktubre 14 (Lunes) hanggang Oktubre 18 (Byernes).
Ang mga nakapagset ng appointment naman sa araw ng Oktubre 28 (Lunes) ay maaring magtungo sa tanggapan ng DFA sa Kamaynilaan anumang araw mula Oktubre 29 (Martes) hanggang Nobyembre 4 (Lunes).
Kinakailangan lamang nilang ipakita ang katunayan na sila ay may appointment sa mga araw na ito. WAKAS