Paunawa sa Publiko: Pansamantalang Pagbawal ng Pagpasok ng mga Dayuhan sa Brunei Darussalam
26 March 2020 — Ipinababatid ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (DFA) sa ating publiko na batay po sa anunsyo ng Pamahalaan ng Brunei Darussalam, simula ika-24 ng Marso 2020 ay pansamantala munang ipinagbabawal ang pagpasok ng mga dayuhan sa Brunei Darussalam sang-ayon sa layunin nito na ma-kontrol ang pagkalat ng COVID-19.
Nasasakop at kabilang sa “temporary travel ban” na ito ang lahat ng mga dayuhan, kasama ang mga Filipino citizens. Ito ay ipatutupad sa lahat ng “entry points” ng Brunei Darussalam (airport, seaport at land border).
Ang mga bibiyahe o mga returning OFWs ay inaanyayahan na makipag-ugnayan sa inyong airline company para sa mga kaukulang inpormasyon at updates tungkol sa inyong flight at upang maiwasan ang anumang abala o perwisyo. Pinapayuhan ang publiko na ipagpaliban muna ang lahat ng pag-biyahe papasok ng Brunei Darussalam sa kasalukuyang panahon.
Pinaaalalahanan din ang publiko na manatiling maingat at maalam dahil ang mga bansa o teritoryo ay nagpapataw at/o nagbabago ng kanilang mga paghihigpit sa paglalakbay na maaaring makaapekto sa mga Pilipinong manlalakbay.
Maraming salamat po.