MENU

Inilunsad ng DFA ang Bago at Pinahusay na Sistema ng Apostille para sa Mas Mabilis at Epektibong Serbisyo sa Mamamayan

MAYNILA 21 Abril 2025 — Malugod na ipinapaalam ng Department of Foreign Affairs ang mga kasalukuyang pagbabago sa pagpapa-authenticate ng PSA at NBI na mga dokumento at mga pagbubuti ng Online Appointment System (OAS) para sa Apostille services. 

Fully Online na Pagpoproseso ng Apostille para sa mga Dokumentong mula sa PSA 

Maaari nang mag-request online ng Apostille para sa kanilang Philippine Statistics Authority (PSA) na mga dokumento. Sa pamamagitan ng sistemang ito, ang mga aplikante ay maaari nang mag-apply ng kanilang PSA document (gaya ng birth certificate, marriage certificate, CENOMAR, at iba pa) at ipa-Apostille ito sa pamamagitan ng e-Apostille system. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang link na ito: Apostille Service for PSA Documents

Apostille para sa mga NBI Clearance

Mula Lunes, Abril 14, 2025, mayroong pagbabago sa sistema ng pagpapa-Apostille ng NBI Clearance kung saan ang mga aplikante ay maga-upload na ng kopya ng kanilang NBI Clearance sa pamamagitan ng isang portal. Pagkatapos i-upload ang nasabing dokumento, maaari nang kunin ng mga aplikante ang kanilang apostillized na NBI Clearance sa kanilang takdang schedule. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang link na ito: Apostille Service for NBI Clearance

Pagbabago sa Proseso ng Appointment Booking para sa Apostille Services Mula Abril 14, 2025

Sa ilalim ng pinabuting appointment system, kinakailangang magbayad ng Php 200 fee online ng mga aplikante upang makakuha ng appointment slot. Isa itong paraan para bigyang-priyoridad ang mga kumpirmadong kliyente sa pagkuha ng appointment slots. Ang halagang binayaran ay non-refundable kapag ang appointment ay makakansela ng walang sapat na dahilan. Pinapayuhan namin ang mga aplikante na siguraduhing handa at nasa kanila na ang kanilang mga dokumentong nais nilang ipa-Apostille bago kumuha ng appointment. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang link na ito: Enhancements in the Apostille Appointment System

Patuloy ang pagsisikap ng DFA na pagandahin ang sistema, habang sinisigurong mas magiging magaan ang karanasan at mas epektibo ang aming serbisyo, lalo na pagdating sa pagkuha ng appointment at pagproseso ng Apostille. Taos-pusong pinahahalagahan ang suporta at pakikiisa ng publiko habang patuloy na naghahatid ang DFA ng de-kalidad na serbisyong konsular. WAKAS

 

NOTICE

All applications should be made in person by the applicant except under certain circumstances (e.g. documents filed by his/her immediate kin.

Applications not paid within 24 hours shall be disposed of.