26 Agosto 2013 - Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, naglunsad ang tanggapan ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas sa Legazpi (DFA Legazpi) ng Paligsahan sa Sanaysay na nilahukan ng mga estudyante na nasa ika-anim na baitang ng Banquerohan Resettlement Elementary School (BRES) sa Legazpi City. Ang paksa ng paligsahan sa sanaysay ay “Wika Natin ang Daang Matuwid: Ang Wika Natin ay Sandata Laban sa Kahirapan.”
Ang mga nanalo sa paligsahan ay tumanggap ng sertipiko at munting regalo mula sa DFA Legazpi na iginawad noong pampinid na palatuntunan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2013 ng BRES.
Ang 350 na estudyante ng BRES ay galing sa mga pamilyang pinatira sa Barangay Banquerohan mula sa “Permanent Danger Zone” ng Bulkang Mayon. Ang BRES ay benepisaryo din ng community outreach program ng DFA Legazpi. WAKAS