MENU

Paggunita ng Punong Konsulado ng ika-124 Taong Kaarawan ng Pagpapahayag ng Kasarinlan

Shanghai 1

SHANGHAI 12 June 2022 – Maalab na nakiisa ang Punong Konsulado sa Shanghai sa paggunita ng sambayanan sa ika-124 na Taon ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas.

Sa gitna ng patuloy na paghihigpít sa Shanghai sa malakihang pagtitipon bilang pag-iingat sa COVID-19, isang payak na palatuntunan ang idinaos ng mga kawanì sa pangunguna ni Consul General Josel F. Ignacio. “PAGSUONG SA HAMON NG PANIBAGONG BUKAS” ang gabay-nilay ng pagdiriwang sa kasalukuyang taon.

Matapos ang Pambansang Awit at panunumpa sa Watawat ay pinakinggan ang pahatíd na pagbati ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng Kalihim ng Ugnayang Panlabas Teodoro L. Locsin, Jr.

Nagbigay-pugay si Kalihim Locsin sa mga kababayang nasa ibayong-dagat bilang “source of pride and inspiration”. Ani ng Kalihim, “we, in the Department of Foreign Affairs, did not let a pandemic stop us from cultivating foreign partnerships, securing much-needed vaccines, upholding our sovereign rights, getting overseas Filipinos out of distress, and sharply increasing already considerable consular services”.

Nagbahagì namán ng iláng pananalitâ si Consul General Ignacio, ukol sa pagpapahalaga sa daan tungo sa kalayaang tinatamasa ng bansa, mula 1898, 1946, 1986 hanggang sa kasalukuyan.

Isang agahang Pilipino ang pinagsaluhan ng mga kawani sampu ng kanilang mga mag-anak at ilang panauhin mula sa hanay ng mga kababayang taga-Shanghai. END

Shanghai 2

Clockwise from top left: PCG Personnel listen to Secretary Locsin’s Video Address; CG Ignacio with PCG colleagues due to end their terms in Shanghai; Independence Day cake; FilCom leaders join PCG celebration; PCG personnel and families partake of Filipino breakfast. (Shanghai PCG photo)

Shanghai 3

Shanghai 4

For more information, visit http://shanghaipcg.dfa.gov.ph/.