MENU

Paggunitâ sa Shanghai ng iká-125 Taóng Kaarawan ng Pagpapahayág ng Kasarinlán ng Pilipinas

Shanghai PID 1

SHANGHAI 21 Hunyo 2023 – Maalab na nakiisá ang Punong Konsulado ng Pilipinas sa Shanghai sa paggunitâ ng sambayanán sa iká-125 na Taón ng Pagpapahayág ng Kasarinlán ng Pilipinas noong 12 Hunyo 2023.

Pinangunahan ni Consul General Josel F. Ignacio ang pagtataás at pabibigay-pugay sa Watawat noóng Lunes ng umaga sa liwasan ng Metrobank Building sa Changning. 

Ang palátuntúnan ay ipinagpatuloy sa loób ng Konsulado, kung saán nagbahagì ng iláng salitâ ang Consul General batay sa gabáy-nilay ng pagdiriwáng sa kasalukuyang taón na “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan”. 

Matapos nitó’y pinakinggán ang mga pagbatì ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. 

"Whether we are in the Philippines or anywhere else in the world, let us continue to unite and work hard to build a truly just, inclusive and prosperous Philippines that all Filipinos deserve”, ayon sa Pangulò. 

Binasa namán ni Consul John Francis S. Herrera ang pahayag ng Kalihim ng Ugnayang Panlabás Enrique A. Manalo. 

Matapos ang palantuntuna’y isáng muntíng agahang Pilipino ang pinagsaluhan ng mga kawaní sampû ng kaniláng mga mag-anak at iláng 

panauhin mulá sa hanay ng mga kababayang tagá-Shanghai. END

Shanghai PID 2

Shanghai PID 3

For more information, visit http://shanghaipcg.dfa.gov.ph/.