MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 423

Ika- 30 ng Oktubre 2013 - Dahil sa nalalapit na pagtatapos ng palugit na ibinigay sa atin ng Kaharian ng Saudi Arabia upang ituwid ang inyong status o di kaya’y bumalik sa ating bansa ng matiwasay, ang inyong Embahada sa Riyadh ay nanawagan at hinihikayat muli ang lahat  ng nalalabing mga ina na pumasa ng DNA test at hindi pa nakapag-fingerprinting or basamat sa Al-Wafideen Office sa Shumeisi upang mabigyan ng kaukulang visa para makauwi sa Pilipinas kasama ang kanilang mga anak, na samantalahin ang pagkakataon ito na magtungo sa Al-Wafideen Office nitong darating na Miyerkules at Huwebes ng umaga mula 8:30 hanggang 11:00 ng umaga sa ika-30 at 31 ng Oktubre.

Ang Special Committee ng Ministry of Interior ng Saudi Arabia ay nagtungo sa Al-Wafideen Office at humingi ng oras para mapagbigyan ng pagkakataon ang mga ina na nag- alangan kung uuwi o hindi dahil sa pag-uudyok at pangako sa kanila ng kanilang mga bagong employers na maitutuwid ang kanilang iqama ngunit hanggang ngayon ay wala paring linaw o katibayan na silay mabibigyan ng iqama kasama ang kanilang mga anak.

Pinapayuhan po kayo ng inyong Embahada na huwag mag-atubili na pumunta sa Al-Wafideen sa nasabing petsa at handa po kayong tulungan ng Philippine Embassy Team sa pangunguna ni Ebrahim Zailon.

Para naman sa mga nanay na hindi pa nakakapagpakuha ng DNA, mangyari po lamang na magtungo sa Embahada at magpalista hanggang ika-30 ng Nobyembre 2013 o di kayay tumawag sa 011-4801918 para sa karagdagang impormasyon. WAKAS