MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 423

BABALA LABAN SA PAGDADALA NG “ANTING-ANTING” NA GAWA SA BALA O MGA KAHALINTULAD NA MATERYALES NG MGA MAGLALAKBAY PATUNGO O PAALIS NG MACAU SAR

 

20 Disyembre 2013 – Nagbabala ang Konsulado Heneral ng Pilipinas sa Macau SAR laban sa pagdadala sa ating mga kababayan ng mga anting-anting na gawa sa bala o mga kahalintulad na materyal kung sila’y patungo o mula sa Macau SAR.

 

Pinapaalala ng Konsulado na ang pagdala ng bala (at mga kahalintulad) ay labag sa batas ng Macau SAR at may katumbas na kaparusahan tulad ng detention, paglilitis, deportation at blacklisting.

 

Muling ipinapaalala ng Konsulado na kung maari ay iwanan ang mga ganitong bagay sa Pilipinas bago maglakbay patungo sa Macau SAR dahil ang mga ito ay tinuturing na “dangerous weapons” at ang nagtataglay nito ay maaring makaranas ng problema lalo na sa airport at ferry terminals.

 

Kung may emergency na nais ipaalam sa Konsulado, tawagan ang Assistance-to-Nationals (ATN) section sa +85328757111 loc. 102/108 (9:00am to 6:00pm, Monday to Friday). Maari rin tumawag sa 24-Hour Emergency ATN Hotline +85366981900.  END