MENU

Kaarawan Ni Pangulong Manuel L. Quezon Ginunita Sa Damascus

Damascus Araw ng Bayani 1

LARAWAN: Naghandog ng Banal na Misa ang mga kawani ng Pasuguan ng Pilipinas sa Damascus sa pamumuno ni Chargé d’ Affaires (CDA) at Consul General Alex V. Lamadrid, noong Linggo, 18 ng Agosto 2019, bilang pag-gunita sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa.

Ang nasabing Misa ay pinangunahan ni Reberendo Padre Fahdi Azar, OFM, Kura Paroko ng Parokya ng San Antonio de Padua sa Damascus.  Kabilang din sa mga dumalo sa Misa ang mga Pilipinang nagkakanlong sa Filipino Workers Resource Center (FWRC) ng Pasuguan.

Ginunita rin sa Misa sina dating Pangulong Corazon Aquino, Senador Benigno Aquino, Andres Bonifacio at iba pang bayaning Pilipino.

Pagkatapos ng misa, namaalam sa mga Pilipino si Padre Fahdi Azar kaugnay sa nalalapit na paglipat niya sa ibang misyon.  Nagpasalamat ang mga Pilipino sa apat na taong pagsisilbi ni Padre Fahdi sa mga Pilipino sa Damascus.

Damascus Araw ng Bayani 2

Para sa karagdagang impormasyon pumunta sa: https://www.damascuspe.dfa.gov.ph  or https://www.facebook.com/PHinSyria/.