Araw ng mga Bayani, Ginunita ng Pasuguan ng Pilipinas sa Damascus
Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani, ang Pasuguan ng Pilipinas sa Damascus ay nagdaos ng isang maikling pagsusulit-panayam patungkol sa mga Bayani ng Pilipinas noong ika-26 ng Agosto 2019. Ang nasabing panayam ay inihatid ni Gng. Kathleen Llarena, tinalagang House Mother ng Filipino Workers Resource Center at dinaluhan ng mga 30 Pilipinang nagkakanlong sa FWRC ng Pasuguan. (litrato ng Pasuguan ng Pilipinas sa Damascus)
Para sa karagdagan impormasyon, bisitahin https://www.damascuspe.dfa.gov.ph or https://www.facebook.com/PHinSyria/.