MENU

Mapa ng Iba’t Ibang Wika ng Pilipinas Ibinahagi sa Filipino Language School sa Canberra

 Canberra Map 1

Ibinahagi ni Punong Sugo Gng. Ma. Hellen De La Vega (kaliwa) ang Mapa ng Iba’t Ibang Wika sa Pilipinas sa pamunuan ng Filipino Language School sa Canberra na kinabibilangan nina Punong Guro Gng. Pilar Davidson at Gng. Kotch Velasquez noong ika-17 Agosto 2020. (Canberra PE photo)

CANBERRA 03 Setyembre 2020 – Bilang bahagi ng paggunita sa Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto, ibinahagi ng Pasuguan ng Pilipinas sa Canberra, na pinangunahan ni Punong Sugo Gng. Ma. Hellen De La Vega, kasama ni Punong Konsul Ginoo Aian A. Caringal, ang Mapa ng Iba’t Ibang Wika sa Pilipinas sa pamunuan ng Filipino Language School sa Canberra na kinabibilangan nina Punong Guro Gng. Pilar Davidson at Gng. Kotch Velasquez noong ika-17 Agosto 2020.

Ang mapa ay inilimbag ng Komisyon ng Wikang Filipino at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining. Ipinagdiriwang ng Filipino Language School ang ikasampung anibersaryo ng organisasyon sa taong ito.

As part of the commemoration of Filipino Language Month, H.E. Ma. Hellen B. De La Vega, Philippine Ambassador to Australia, and Consul General Aian A. Caringal, presented a Linguistics Map of the Philippines to the Filipino Language School in Canberra represented by Mrs. Pilar Davidson, Principal, and Mrs. Kotch Velasquez. The map was produced by the Commission on the Filipino Language and the National Commission for Culture and the Arts. The Filipino Language School is celebrating its tenth anniversary this year. END

Canberra Map 2

For more information, visit https://www.philembassy.org.au or https://www.facebook.com/PHinAustralia/.