13 Hunyo 2014- Pinag-igting ng Pasuguan ng Pilipinas sa Yangon ang kampanya ukol sa pagpapatala o rehistrasyon ng mga overseas voter (OV) sa Myanmar.
Sa pagpupulong noong ika-16 ng Mayo 2014 na dinaluhan ng ilang kasapi ng This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it., ang organisasyon ng mga Filipino sa Myanmar, binanggit ni Ambassador Alex G. Chua ang kahalagahan ng pagpaparehistro bilang overseas voter para sa nalalapit na pambansang halalan ng 2016. Aniya, “pakikiisa sa pagpapaunlad ng bansa ang pakikilahok sa halalan.”
Sa nasabing pagpupulong, inilunsad ng Pasuguan ang Oplan OavRegister Yangonpe, ang Facebook Page ng Pasuguan na layuning himukin ang mga Filipino sa Myanmar na magparehistro bilang overseas voter para sa nalalapit na halalan.
Sinundan ito ng pagsagawa ng mobile registration ng overseas voters kasabay ng pagdiriwang ng Pasuguan kasama ng mga Filipino sa Myanmar ng ika-116 taon ng kalayaan ng Pilipinas noong ika-8 ng Hunyo 2014.
Hinihikayat ang mga Filipino sa Myanmar na sumangguni sa Pasuguan ukol sa rehistrasyon sa pamamagitan ng pagpapadala ng e-mail sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o pagtawag sa telepono bilang (01) 558-149 at pagbisita sa Facebook Page Oplan OavRegister Yangonpe. WAKAS