Pasuguan ng Pilipinas sa Manama, Bahrain, Nagtanghal ng Patimpalak para Ipagdiwang ang Buwan ng Wika 2023
Si Ambassador Anne Jalando-on Louis (ika-apat mula sa kaliwa) at ang mga nanalo sa Poetry Writing contest, (mula kaliwa hanggang kanan) Mr. Ruelly Buendicho - 2nd Runner-Up, Ms. Emmanuella Cadiz - 1st Runner-Up (na nanalo din ng 1st Runner-Up para sa Spoken Word Poetry), at Ms. Liezl Mercado - Champion; mga nanalo sa Spoken Word Poetry, Mr. Erick Pinaroc - Champion; Ms. Bethjora Alcasid - 2nd Runner-Up; at ang mga nanalo sa Table Topics Discussion, Mr. Ramil Ramos - Champion, Mr. Carlito Bugarin - 1st Runner-Up, at Mr. Dennis Dureza - 2nd Runner-Up.
MANAMA 08 Setyembre 2023 – Ang Pasuguan ng Pilipinas sa Manama, Kaharian ng Bahrain, ay nakipagtulungan sa Wika Toastmasters Club Bahrain upang mailunsad ang dalawang patimpalak para sa selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong taon na may temang, “Filipino at Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan”. Ang dalawang patimpalak na ito ay ang Spoken Word Poetry Contest o Tanghal Tula at ang Poetry Writing.
Ang mga nanalo sa dalawang patimpalak ay binigyan pugay sa isang programa na ginanap sa Pasuguan noong ika-25 ng Agosto 2023. Nakalakip din sa programa ang pagdaos ng on-the-spot Table Topics Discussion sa wikang Pilipino na pinangunahan ng Wika Toastmasters Club Bahrain.
Ang mga nanalo sa patimpalak sa Spoken Word Poetry o Tanghal Tula ay si G. Erik Pinaroc, Champion, Bb. Emmanuella Cadiz, 1st Runner-Up, at Bb. Bethjora Alcasid, 2nd Runner-Up.
Para naman sa Poetry Writing Contest, ang mga nanalo ay sina Bb. Liezl Mercado, Champion, Bb. Emmanuella Cadiz, 1st Runner-Up, at G. Ruely Buendicho, 2nd Runner-Up.
Ang mga nanalo ay tumanggap ng medalya, certificate at gantimpala na salapi galing sa Wika Toastmasters Club Bahrain.
Si Ambassador Louis (ika-apat na nakaupo mula sa kaliwa) kasama sila Consul Bryan Jess Baguio (ika-lima mula sa kaliwa), Migrant Workers Office OIC Ms. Redina Manlapaz (ika-tatlo mula sa kaliwa), mga kasapi ng Wika Toastmasters Club, mga miyembro ng iba’t ibang Filipino community organizations, at ang mga lumahok sa patimpalak para sa Buwan ng Wika noong awarding ceremony na ginanap sa Pasuguan noong ika-25 ng Agosto 2023.
Pinasalamatan ni Ambassador Louis ang Wika Toastmasters Club Bahrain, ang lahat na lumahok sa patimpalak, at ang lahat din na dumalo sa programa dahil sa kanilang aktibong pag suporta sa mga programa ng Pasuguan upang lalo pang pagyamanin ang paggamit ng Wikang Pambansa ng mga miyembro ng Filipino community sa Bahrain.
WAKAS