30 July 2014 - Matagumpay na ginunita ng mga Filipino sa Myanmar noong ika-27 ng Hulyo ang ika-150 taon ng kapanganakan ni Apolinario Mabini, kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-36 taon ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week.
Nilahukan ang pagdiriwang na pinangunahan ni Ambassador Alex G. Chua ng mga kawani ng Pasuguan ng Pilipinas sa Myanmar, mga pinuno ng This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it., ang organisasyon ng mga Filipino sa Myanmar, at ng mahigit 150 na mag-aaral ng Yangon Education Centre for the Blind.
Alinsunod na rin sa temang “Talino at Paninindigan sa Taong may Kapansanan: Pasaporte sa Kaunlaran,” ibinahagi ng Pasuguan sa mensahe nito ang mga batas sa Pilipinas na naglalayong pangalagaan ang karapatan ng mga taong may kapansanan.
Ibinahagi rin ang buhay ni Apolinario Mabini na hindi naging hadlang ang kapansanan sa pagganap nito ng kanyang tungkulin bilang kauna-unahang Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.
Matapos ang maikling programa ng pagbabahagi ng awit ng kawani ng Pasuguan at ng ilang piling mag-aaral ng Yangon Education Centre for the Blind, namahagi ang Pasuguan, CharmZ Foundation at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. ng pagkain sa mga mag-aaral at ng donasyon sa paaralan. WAKAS