26 August 2014 - The Philippine Consulate General in Los Angeles commemorated the 31st anniversary of Ninoy Aquino’s martyrdom and National Heroes Day with a simple ceremony at the community hall of the Consulate General.
In attendance were the officers and staff of the Consulate General, members of the New Filipino American Community in Los Angeles (FACLA) and the public.
The ceremony featured a short video on Ninoy Aquino and also honored Apolinario Mabini as the featured National Hero for 2014 coinciding with his 150th birth anniversary.
Ms. Bernie Ganon of New FACLA recited a script about the commemoration:
“Ngayong umaga ay ginugunita natin ang dalawang mahahalagang araw para sa Samabayanang Pilipino: ang Ninoy Aquino Day at ang National Heroes Day.
Kahapon ay ginunita ng buong bansa ang pagkamatay ni Senador Ninoy Aquino. Tatlumpu’t isang taon ang nakakaraan (1983) nang barilin si Senador Aquino sa NAIA. Ang kanyang pagkamatay ang nagtulak sa daang libong Pilipino upang mapayapang magprotesta at tumutol sa administrasyon ni Pangulong Marcos hanggang sa napabagsak ito.
Sa Lunes naman ay piesta opisyal sa Pilipinas dahil sa Araw ng mga Bayani. Ngayong taon ay binibigyang halaga ng Konsulado at ng Filipino-American community si Apolinario Mabini dahil sa taong ito ay ating ipinagdiriwang ang ika-150 taon ng kanyang kapanganakan. Sa edad na 30, siya ay nagkaroon ng kapansanan. Ngunit ito ay hindi naging hadlang sa kanya upang makilala siya bilang ‘Utak ng Katipunan’, Punong Ministro at Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Unang Republika ng Pilipinas.
Ating isaisip ang kahalagahan ng mga bayaning ito sa kasaysayan at kasarinlan ng ating bansa.” END