MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 422

yangon

09 September 2014 – Ipinagdiwang ng mga Pilipino sa Myanmar ang taunang Pambansang Araw ng mga Bayani noong ika-31 ng Agosto sa Pasuguan ng Pilipinas sa Yangon, Myanmar.

Sa maiksing programa na dinaluhan ng mahigit 90 kasapi ng This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it., ang organisasyon ng mga Pilipino sa Myanmar, binigyang parangal sina G. Patrick Nebre, dating Pangulo ng This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. at Gng. Rose Cormack, President ang CharmZ Charity, sa kanilang tulong sa pagpapabuti ng samahan ng mga Pilipino sa Myanmar.

Sa kanyang pambugad ng pananalita, binigyang pugay ni Career Minister Maria Lourdes M. Salcedo ang mga Pilipino sa Myanmar sa kanilang malaking kontribusyon sa pagpapaunlad hindi lamang ng Pilipinas kundi pati na rin ng Myanmar. Bilang mga makabagong bayani, hinikayat ni Career Minister Salcedo ang mga ito na magpatala sa Pasuguan bilang overseas voters sa nalalapit na pambansang halalan ng 2016. Ibinahagi rin ng Pasuguan ang mga impormasyon ukol sa Pag-Ibig, 2014 Global Migration Summit, Migration Media Awards at Ebola Virus Disease (EVD).

Kasabay na rin ng pagdiriwang ng Pambasang Araw ng mga Bayani, nagtalaga ang mga kasapi ng This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. ng mga bagong pinuno kung saan nahalal si G. Daniel Dauba bilang bagong Pangulo ng organisasyon. WAKAS