MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 422

yangon sim

22 October 2014 - Sinimulan ng Pasuguan ng Pilipinas sa Myanmar, sa pamumuno ni Ambassador Alex G. Chua, ang pamamahagi ng SMART Info SIM sa mga Pilipino sa Myanmar, noong ika-19 ng Oktubre, kasabay ng panunumpa ng mga bagong halal na pinuno ng This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it., ang nag-iisang organisasyon ng mga Filipino sa Myanmar.

Mahigit apatnapung (40) Pilipino ang nabigyan ng SMART Info SIM sa unang araw ng pamamahagi ng SMART Info SIM. Sina G. Enrico Reyes, Gng. Wilma Gunam, at Gng. Amie De La Costa, mga Pilipino na mahigit labinwalong taon (18) ng naninirahan sa Myanmar, ang mga unang nakatanggap ng SMART Info SIM.

Bagamat laganap na sa Pilipinas ang paggamit ng mobile technology, nag-uumpisa pa lamang ang Myanmar sa pagpapalaganap ng paggamit ng cellular phones. Sampung bahagdan (10%) lamang ng populasyon ng Myanmar ang gumagamit ng cellular phones. Inaasahan na sa pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan, lalaganap ang paggamit ng cellphones sa Myanmar.

Sa kasalukuyan, hindi makakapagpadala sa ibang bansa o makakatanggap mula sa ibang bansa ng text messages gamit ang local SIM cards. “Malaking tulong sa ating mga kababayan ang SMART Info SIM,” wika ni Ambassador Chua.

Sa pakikipagtulungan ng Pasuguan at SMART, ipapamamahagi ang SMART Info SIM sa lahat ng Filipino sa Myanmar na magrerehistro sa Pasuguan. Maaari ng makatanggap sa text ang mga Filipino sa Myanmar ng abiso at paalala mula sa Pasuguan. Maari ring magpadala ng text sa Pilipinas gamit ang SMART Info SIM. WAKAS