28 October 2014 - Pinangunahan ni Ambassador Alex G. Chua ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyales ng This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. noong ika-19 ng Oktubre sa Pasuguan ng Pilipinas sa Myanmar.
Sa kanyang pambungad ng mensahe, pinasalamatan ni Ambassador Chua ang This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. sa pagbubuklod nito sa lahat ng mga Pilipino sa Myanmar. Hinikayat ni Ambassador Chua ang mga nanumpang opisyales ng This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. na lalung maging aktibo. Aniya, “Inaasahan ng Pasuguan na lalung darami ang mga Pilipino sa Myanmar sa unti-unting pagbukas ng ekonomiya nito sa mga dayuhang namumuhunan. Inaasahan ng Pasuguan na patuloy na pagbuklurin ng This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. ang mga Pilipino sa Myanmar.”
Sinundan ang panunumpa ng mga opisyales ng This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. ng pagpupulong kung saan tinalakay ng organisasyon ang mga proyekto nito sa susunod na taon. Ibinahagi rin ni Ambassador Chua ang mga proyekto ng Pasuguan sa nalalapit na mga buwan.
Itinatag ang This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. noong ika-26 ng Agosto 1996. Ito ang nag-iisang organisasyon ng mga Pilipino sa Myanmar hanggang sa kasalukuyan. WAKAS