MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 423

Yangoon

27 Pebrero 2015 – Nagsagawa ang Pasuguan ng Pilipinas sa Yangon, Myanmar ng isang seminar tungkol sa anti-human trafficking at smuggling noong ika-24 ng Pebrero bilang bahagi ng programa ng Pasuguan sa Gender and Development (GAD).

Ipinaliwanag ni Career Minister Maria Lourdes M. Salcedo ang mga batas na naglalayung sugpuin ang human trafficking at smuggling sa bansa. Kanya ring ibinahagi ang iba’t ibang programa na ipinatutupad ng pamahalaan upang tulungan ang mga biktima ng human trafficking at smuggling, at usigin ang mga salarin. Aniya, “Tungkulin ng bawat manggagawang Pilipino na alamin ang mga karapatan niya upang masugpo ang suliranin sa human trafficking at smuggling.”

Nagbigay naman ng ilang halimbawa ng mga kaso ng trafficking at smuggling si Gng. Amalia D. Abadilla, ang Assistance-to-Nationals (ATN) Officer ng Pasuguan. Aniya, “Bukas ang pasuguan 24 oras sa sinumang mangangailangan ng tulong. Hinikayat niyang ipagbigay-alam sa Pasuguan ang mga hinihinalang kaso ng human trafficking at smuggling lalung-lalo na’t ang migration o pangingibang-bansa ay isa ngang realidad sa ating bansa.”

Maaaring sumangguni sa Pasuguan sa email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o cellphone numero +95 9507 0910. WAKAS