MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 423

Yangoon 2

27 Pebrero 2015 – Inilunsad ng Pasuguan ng Pilipinas sa Yangon, Myanmar ang programang “Ambassadors of Visit Philippines 2015” noong ika-24 ng Pebrero. Layunin ng programang ito na makipagtulungan sa mga manggagawang Pilipino sa Myanmar na humikayat ng mga turista na bumisita sa Pilipinas.

Sa kanyang pambugad na pananalita, pinasalamatan ni Ambassador Alex G. Chua ang mga Pilipino sa kanilang kontribusyon sa pagpapaunlad ng turismo sa Pilipinas. Hinimok nya ang mga ito na maging “sugo” (ambassadors) ng ‘Visit Philippines 2015.’

Bilang mga sugo, inaasahan na manghihikayat ng mga turista ang mga manggagawang Pilipino sa Myanmar sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman, pamamahagi ng mga babasahin, at pagpapakalat ng mga larawan ng mga destinasyon sa Pilipinas. 

Ani G. Reynaldo Bates, Pangulo ng This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it., ang nag-iisang organisasyon ng mga Pilipino sa Myanmar, “Maganda ang layunin ng programa. Tutulong ako sa pamimigay ng mga babasahin sa tinuturuan ko sa paaralan. Mag-iiwan din ako ng mga babasahin sa silid-aklatan.” WAKAS