MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 423

Yangoon

17 Marso 2015 – Ipinagdiwang sa Pasuguan ng Pilipinas sa Yangon, Myanmar ang Pambansang Buwan ng mga Kababaihan noong ika-12 ng Marso.

Sa kanyang pambungad na pananalita, pinasalamatan ni Ambassador Alex G. Chua ang mga dumalo at hinikayat ang mga ito na kilalanin ang kontribusyon ng mga kababaihan sa lipunan. Idinagdag ni Minister Maria Lourdes M. Salcedo na ang pagkilala sa mga kababaihan ay ipinagdiriwang sa buong buwan ng Marso sa Pilipinas. Kanya ring nabanggit na bagamat mataas ang “women’s indices” ng Pilipinas, nananatili pa rin ang mga hamon sa kababaihang Pilipino.

Nagbigay naman ng maikling mensahe ang mga dumalo sa mga kababaihan na naging bahagi ng kanilang buhay. Pinasalamatan ni G. Richard Rivera, isang manggagawa sa Myanmar Airways International, ang kanyang kabiyak na kanyang naging katuwang habang siya’y naghahanap-buhay sa ibang bansa. Nagbahagi rin ng kanilang mga karanasan ang mga kababaihang Pilipino na nakapag-asawa at ngayo’y naninirahan na sa Myanmar.

Bahagi pa rin ng pagdiriwang, pinanood ang video ng Juana, Ikaw Na ang Manguna. Namahagi rin ng mga rosas ang Pasuguan sa mga Juana na dumalo sa pagdiriwang. WAKAS