MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 422

yangon fvr1

18 Marso 2015 – Nakipagpulong si dating Pangulong Fidel V. Ramos sa mga Pilipino sa Myanmar, noong ika-12 ng Marso, bahagi ng kanyang pagbisita sa Myanmar.

Pinasalamatan ni dating Pangulong Ramos ang mahigit isandaang Pilipino na dumalo sa pagpupulong. Hinikayat niya ang bawat isa na magtulungan upang ang “barkong Pilipinas” ay umusad at huwag maligaw o lumubog. Ibinahagi rin niya na malaki ang pinagbago ng Myanmar mula noong una siyang bumisita noong 1997. Pinaalalahanan niya ang mga Pilipino na panatilihin ang magandang pagkakakilala sa kakayahan ng mga ito sa Myanmar.

Mahigit labinwalong taon na ang nakararaan ng unang bumisita si dating Pangulong Ramos sa Myanmar bilang kaunaunahang pangulo ng Pilipinas na makabisita ng Myanmar. Naging daan ang pagbisitang ito noong 1997 upang palaguin ang relasyon ng Pilipinas at Myanmar. WAKAS