MENU

 

Ika-28 ng Agosto 2015 – Sa pangunguna ni Career Minister at Consul General Maria Lourdes M. Salcedo, inilatag ng Pasuguan sa mga bagong-halal na pinuno ng This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it., ang organisasyon ng mga Pilipino sa Myanmar, ang binalangkas nitong Contingency Plan para sa Myanmar noong ika-23 ng Agosto. 

Ibinahagi ni Career Minister at Consul General Salcedo ang mga paghahandang ginagawa ng Pasuguan sakaling magkaroon ng sakuna o gulo sa Myanmar. Hinikayat niya ang mga pinuno ng This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. na magpatala sa Pasuguan at tumulong sa pagkalat ng impormasyon ukol sa naibalangkas na Contingency Plan.

Ani Gng. Olivia De Guzman, ang bagong-halal na Pangulo ng This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it., tutulong ang organisasyon sa pagpili ng mga area coordinators na maaaring tawagan sakaling magkaroon ng sakuna o kaguluhan sa Myanmar. Kanya ring ibinahagi ang kanyang naging karanasan noong magkagulo sa bansang kanyang pinagtatrabahuhan.

 

Taunang nirerebisa ng Pasuguan ang binalangkas nitong Contingency Plan. Hinihikayat ang mga Pilipino sa Myanmar na magpatala sa Pasuguan at subaybayan ang social media account ng Pasuguan kung saan ibinabahagi ang mga mahahalagang abiso galing sa Pasuguan. WAKAS