Ika-23 Oktubre 2015 - Matagumpay na idinaos ng This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it., ang organisasyon ng mga Pilipino sa Myanmar, ang Pinoy Bazaar nitong ika-18 ng Oktubre, sa Pasuguan ng Pilipinas sa Yangon.
Ikinatuwa ng mga dumalo ang mga pagkaing Pinoy: dinakdakan, adobo, sinigang, dinuguan, longganisa at maja blanca-na ipinagbili sa bazaar. Ikinatuwa rin ng mga dumalo ang pagpapamalas ng mga Pilipino ng galing sa pagkanta ng mga Original Pinoy Music (OPM).
Sa kanyang pambungad na pananalita, pinasalamatan ni Gng. Olivia De Guzman, Pangulo ng This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it., ang Pasuguan sa pamumuno ni Ambassador Alex G. Chua, sa pagsuporta sa bazaar. Hinikayat niya ang mga Pilipino na makiisa sa mga proyekto ng organisasyon na naglalayong pagbuklurin ang mga Pilipino sa Myanmar.
Kasabay ng bazaar, nagpalabas ang Pasuguan ng dokumentaryo ukol sa West Philippine Sea at nagkaroon ng maiksing pagpupulong ukol sa Contingency Plan, na pinangunahan ni Third Secretary/Vice Consul Alan Roi Q. Gabriola. Layunin ng pagpupulong ukol sa Contingency Plan na ipagbigay-alam sa mga Pilipino ang paghahandang ginagawa ng Pasuguan sakaling magkaroon ng sakuna o kaguluhan sa Myanmar.
Dinaluhan ng mahigit 150 katao ang bazaar. WAKAS