MENU

 Yangon Sapicon

16 Nobyembre 2016 - Nanumpa ang bagong halal na mga pinuno at miyembro ng Samahan ng mga Pilipino sa Construction (SAPICON), ang organisasyon ng mga inhinyero sa Myanmar, sa isang maiksing programa na idinaos noong ika-15 ng Nobyembre, sa Pasuguan ng Pilipinas sa Yangon.

Sa kanyang pambungad na pananalita, binigyang-diin ni Career Minister Maria Lourdes M. Salcedo, ang malaking ambag ng mga inhinyerong Pilipino sa pagpapaunlad ng Pilipinas at Myanmar.  Kanya ring hinikayat ang mga ito na panatilihin ang magandang imahe ng mga Pilipinong manggagawa sa Myanmar na ngayon ay dumarami dala ng unti-unting pagbukas ng bansa.

Kasabay ng panunumpa, nakiisa rin ang Pasuguan at SAPICON sa Kampanya sa Pagsugpo sa Karahasan laban sa mga Kababaihan.  Taong 2013 ng nilagdaan ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang Republic Act 10398 na naglalayong pag-ibayuhin ang Kampanya sa Pagsugpo sa Karahasan laban sa mga Kababaihan. WAKAS