MENU

Yangon1

Ika-12 Hunyo 2016 - Pinangunahan ni Philippine Ambassador to Myanmar Alex G. Chua ang pagtaas ng bandila sa Pasuguan ng Pilipinas sa Myanmar noong ika-12 ng Hunyo. Bahagi ang seremonya ng pagtaas ng bandila sa paggunita ng Araw ng Watawat at pagdiriwang ng ika-118 taon ng Kasarinlan ng Pilipinas.

Kasabay ng pagtaas ng bandila, marubdob na inawit ng mga kawani ng Pasuguan at ilang miyembro ng Pilipinas.MM, ang organisasyon ng mga Filipinos sa Myanmar, ang Lupang Hinirang, sa pamumuno ni Binibining Antonette Mitschiener, isang Pilipinong manggagawa sa Myanmar. Nagkaroon din ng munting salu-salo sa Pasuguan matapos ang seremonya ng pagtataas ng bandila.

Ika-12 ng Hunyo 1898 ng iwinagayway ni Pangulong Emilio Aguinaldo ang bandila ng Pilipinas sa Kawit, Cavite, hudyat ng pagkakatatag ng Republika ng Pilipinas. Bawat taon, nagtatapos ang paggugunita ng Araw ng Watawat sa ika-12 ng Hunyo, kasabay ng pagdiriwang ng kasarinlan ng Pilipinas. WAKAS