MENU

DFA-Aseana Walk-In Apostille Services Suspended on 23 March 2022

Suspendido po muna ang walk-in para sa mga aplikante ng Apostille services sa DFA-ASEANA sa araw na ito, Miyerkules, March 23, 2022, dahil naabot na namin ang kaya naming maserbisyuhan dulot ng biglang pagdagsa ng mga aplikante kagabi.

Inaalam po namin ngayon ang puno’t dulo ng pangyayaring ito.

Magsisimula po ulit ang walk-in service para sa mga aplikante ng Apostille bukas, Huwebes, March 24, 2022.

Muli naming pinapaalam na ang quota ng aplikante para sa walk-in ng Apostille services sa DFA-ASEANA ay 300 na katao kada araw. Nagpapapasok kami ng mga aplikante at nagbibigay ng numero simula 7 AM. Hindi po kailangang pumila sa DFA-ASEANA ng dis-oras ng gabi.

Pinapaalala din namin na bukod sa DFA-ASEANA, pwede ring mag walk-in ang mga aplikante para sa Apostille service sa mga sumusunod na DFA offices:

NCR West (150 aplikante)

NCR East (100 aplikante)

Pampanga (80 aplikante)

NCR South (150 aplikante)

CO Iloilo (60 aplikante)

NCR Northeast (80 aplikante)

La Union (50 aplikante)

Davao (90 aplikante)

Cebu (100 aplikante)

Cagayan de Oro (37 aplikante)

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

END