MENU

Fully Online Apostille para sa PSA Documents

MANILA 11 April 2025 — Ipinababatid ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maaari nang magpa-Apostille ng mga sumusunod na dokumento mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) online at hindi na kinakailangang magtungo sa tanggapan ng DFA upang magsumite ng mga kinakailangang dokumento.

✅ Birth Certificate

✅ Marriage Certificate

✅ Advisory on Marriage

✅ Certificate of No Marriage Record (CENOMAR)

Upang maproseso ito nang mabilis at maayos, sundin lamang ang mga simpleng hakbang na ito:

1️⃣ Mag-order online – Bisitahin ang www.apostille.gov.ph upang mag-request ng PSA Document na may Apostille. Hanapin at i-click ang icon na ito. 

2️⃣ Magbayad online – Gumamit ng LANDBANK LinkBiz para magbayad online. Piliin sa listahan ang “DFA Apostille plus PSA Document” na may halagang Php 500.00 para sa Birth Certificate, Marriage Certificate, at Advisory on Marriage at Php 560.00 para sa CENOMAR.

3️⃣ Kunin ang dokumento – Hindi kailangang mag-book ng appointment para sa pagkuha ng naka-Apostille na dokumento pero dapat sundin ang petsa sa email na matatanggap mula sa PSAHelpline at kunin ang PSA Documents na naka-Apostille sa: 

Double Dragon Plaza, DD Meridian Park 

24 Diosdado Macapagal Boulevard

Pasay City, Metro Manila. 

4️⃣ Maaaring ipa-deliver – Maaaring ipa-deliver ang inyong PSA Document na may Apostille. Para sa karagdagang detalye, mangyaring makipag-ugnayan sa DFAMPC gamit ang mga sumusunod na contact details:

Mobile number : (+63) 9771714713

: (+63) 9159155793

: (+63) 9163027519

Email address : This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

 

Para sa mas mabilis at hassle-free na transaksyon, gawin ito online! 

END