MENU

DFA Statement on Illegal Scam Centers in Mainland Southeast Asia

MANILA 16 July 2025 – The Philippine Department of Foreign Affairs (DFA) continues to receive reports of alleged Filipino Human Trafficking Victims (HTVs) still trapped inside different scam centers in Southeast Asia.

In response, the DFA works with its Foreign Service Posts, especially in Mainland Southeast Asia (Thailand, Myanmar, Lao PDR and Cambodia), to persistently devote efforts and resources in extending all possible assistance to our Filipinos in distress, while requesting the authorities of the host countries for their invaluable cooperation.

We remain committed to the rescue and repatriation of all Filipino HTVs that are working in illegal call centers in the region. We call on all our kababayans, including our Filipino communities abroad, to support all efforts to prevent all modes of recruitment and victimization of our Filipino nationals in schemes that lead to forced criminality and participation in scamming operations. 

In particular, relatives of Filipinos who wish to provide verified information on their kin that they believe may be trapped in scam hubs in the vicinity of the Myanmar-Thai border may  reach out to the Philippine Embassies in Yangon and Bangkok through Yangon PE’s Assistance-to-Nationals (ATN) hotline (+95 998 521 0991), email at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it., or through the official Philippine Embassy in Myanmar Facebook Messenger, and Bangkok PE’s Assistance-to-Nationals (ATN) hotline +66 81989 7116 or email through This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.. 

The Philippine government further wishes to reiterate its advice to all Filipinos to pass through the proper deployment procedures established by the Department of Migrant Workers (DMW) and other concerned agencies, prior to departing the country for overseas employment. END

Pahayag ng DFA Ukol sa mga Mandarambong na Kumpanya o "Ilegal na I-skam Center" sa Kalupaan ng Southeast Asia

Ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (Department of Foreign Affairs, o DFA) ay patuloy na tumatanggap ng mga ulat at impormasyon ukol sa mga Pilipinong hinihinalang biktima ng human trafficking (o ang pangangalakal / pagbebenta ng tao) na kasalukuyan pa ding nasa loob ng mga iba’t-ibang i-skam center (mga mandarambong na kumpanya) sa Southeast Asia.

Bilang tugon, tulong-tulong ang DFA at ang mga Embahada at Konsulado ng Pilipinas sa ibayong dagat, lalung-lalo na sa kalupaan o “mainland” ng Southeast Asia (sa Thailand, Myanmar, Laos at Cambodia), sa walang humpay na pag-alay ng oras at serbisyo upang maiabot ang lahat ng posibleng tulong sa ating mga mamamayang nasa kagipitan, habang patuloy din ang ating pakikipanayam at paghingi ng suporta mula sa mga otoridad ng mga dayuhang bansa na napakahalaga sa sitwasyon ng ating mga mamamayan sa mga ilegal na i-skam center sa kanilang teritoryo.

Nananatili kaming nakatuon sa pagsagip at pag-uwi ng ating mga kababayang biktima ng human trafficking na sapilitang nagtatrabaho sa mga ilegal na i-skam center sa buong rehiyon. Hinihimok namin ang lahat ng ating kababayan, kabilang ang ating mga komunidad sa ibayong dagat, na suportahan ang lahat ng pagsisikap at trabaho ng ating gubyerno na mapigilan ang pangangalap at pambibiktima ng ating mga mamayan sa iba’t ibang paraan upang mahulog sila sa patibong ng mga ilegal na i-skam center at sapilitang magtrabaho sa kriminal na operasyong pandarambong. 

Para sa ating mga kababayan na nais magbigay ng beripikadong impormasyon tungkol sa mga kaanak na pinaghihinalaang biktima at nagtatrabaho sa ilegal na i-skam center sa gawing pagitan ng Thailand at Myanmar, mangyaring ipaabot ang inyong impormasyon sa ating mga Embahada sa Yangon, Myanmar at Bangkok, Thailand sa sumusunod na paraan: Yangon PE Assistance-to-Nationals (ATN) hotline: +95 998 521 0991, email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it., opsiyal na Facebook Messenger account ng “Philippine Embassy in Myanmar”, at Bangkok PE ATN hotline: +66 81989 7116 o email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.. 

Ang ating pamahalaan ay muling nagpapa-alala ng ating abiso sa lahat ng mga Pilipinong manggagawa at manlalakbay na dumaan sa wastong paraan ng pagproseso sa pag-alis ng bansa na isinasagawa ng Kagawaran ng Manggagawang Mandarayuhan (Department of Migrant Workers, o DMW) at ang iba pang mga ahensya ng gubyerno, bago po kayo umalis patungo sa bansang pinagtatrabahuhan. WAKAS