03 August 2016
The 30th of July will be commemorated as the 2016 World Day Against Trafficking to raise awareness of human trafficking issues. As a reminder to the public and to prevent cases of human trafficking against Filipino nationals intending to work in Japan, everyone is hereby advised of the following:
1. Be mindful not to transact with individuals, agencies, foundations, companies, or organizations who promise employment in Japan but end up facilitating entry through tourist visas (Temporary Visitor Visa) or by inducing a person to engage in fake marriage or forced marriages with Japanese nationals (for Spouse of Japanese National Visa) for the purpose of exploitation.
- Foreign tourists are not allowed to work in Japan. Working while having a tourist visa (Temporary Visitor Visa) is considered an immigration violation and a criminal offense, and may lead to incarceration and deportation.
- Those who engage in fake marriages and then enter Japan using a Spouse of Japanese National visa commit illegal entry under Japanese laws, a criminal offense which leads to incarceration and deportation.
- Overstaying a visa in Japan is a criminal offense which is penalized by incarceration and deportation, not just fines.
2. Be vigilant of individuals, agencies, foundations, companies, or organizations who promise employment and conversion of tourist visas to working visas or refugee visas upon arrival in Japan and charge exorbitant fees.
3. According to Article 20-3 of the Japanese Immigration Control and Refugee Recognition Act, foreign nationals with a temporary visitor visa status cannot convert to any other visa unless under special unavoidable circumstances.
4. Filipino nationals who wish to find employment in Japan are highly encouraged to consult with the Philippine Overseas Employment Administration (POEA) and to obtain appropriate working visa from the Japanese Embassy in the Philippines.
Human Trafficking is a form of modern day slavery and is a serious crime that violates the individual human rights. In case of human trafficking incidents in Japan, the Philippine Embassy in Tokyo or the Philippine Consulate-General in Osaka-Kobe may be reached through the following emergency hotlines:
Philippine Embassy in Tokyo | +8180-4928-7979 |
Philippine Consulate-General in Osaka-Kobe | +8190-4036-7984 |
Thank you.
Embassy of the Philippines
Tokyo, Japan
PAUNAWA SA MGA PILIPINONG BIBIYAHE PATUNGONG JAPAN
ika-3 ng Agosto, 2016
Sa ika-30 ng Hulyo, ating gugunitain ang 2016 World Day Against Trafficking upang palawakin ang pang-unawa ng publiko tungkol sa human trafficking. Ipinaaalala sa publiko ang mga sumusunod:
1. Mag-ingat at maging mapanuri bago pumasok sa transaksyon sa mga tao, ahensya, foundation o mga kumpanyang nangangako ng trabaho sa Japan subalit pagpasok sa Japan bilang turista ay ibebenta sa mga Hapon o kaya’y ipipilit ipakasal sa Hapon o pumasok sa pekeng kasal na may layuning mapagsamantala.
- Hindi maaaring magtrabaho ang mga turistang banyaga sa bansang Japan. Ang pagtatrabaho gamit ang tourist visa ay itinuturing na paglabag sa batas ng Imigrasyon ng Japan at maaaring humantong sa pagkakakulong at sapilitang pagpapauwi sa bansang pinagmulan.
- Ang pagpasok sa fake marriage at pagpasok sa Japan gamit ang Spouse of Japanese National visa ay paglabag sa batas ng Japan laban sa Illegal Entry at maaaring maging sanhi ng pagkakaaresto at pagkakakulong.
- Ang pananatili sa Japan lampas sa araw ng expiration ng visa ay krimen at magdudulot ng pagkakakulong, deportasyon at multa.
2. Mag-ingat at maging mapanuri sa mga tao, ahensya, foundation o mga kumpanyang nangangako sa mga turista na hahanapan ng trabaho sa Japan at papalitan ang tourist visa sa working visa o refugee visa kapalit ng napakalaking halaga.
3. Ayon sa Artikulo 20-3 ng Japanese Immigration Control and Refugee Recognition Act, ang mga banyagang may temporary visitor visa ay hindi maaaring mapalitan ng iba pang uri ng visa maliban na lamang kung may mga espesyal na kadahilanan.
4.Para sa mga nais magtrabaho sa Japan, maaari lamang pong humingi ng payo mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at kumuha ng nararapat na working visa mula sa Pasuguan ng Japan sa Pilipinas.
Ang Human Trafficking ay isang napakabigat na krimen na lumalabag sa karapatang pantao ng isang indibidwal. Kung may mga kaso ng human trafficking sa Japan na nais ipagbigay-alam sa mga awtoridad, maaari pong tawagan ang Pasuguan ng Pilipinas sa Tokyo o ang Konsuladong Panlahat ng Pilipinas sa Osaka-Kobe sa mga sumusunod na emergency hotlines:
Pasuguan ng Pilipinas sa Tokyo | +8180-4928-7979 |
Konsuladong Panlahat ng Pilipinas sa Osaka-Kobe | +8190-4036-7984 |
Maraming salamat po.
Pasuguan ng Pilipinas
Tokyo, Japan